Ayon kay Defensor, ang pagsama ng mga kapanalig ni Erap sa administrasyon ay hindi umano nangangahulugan na nabalewala na ang tinatawag na adhikain ng Edsa Dos.
Niliwanag ni Defensor na ang Edsa Dos ay nagtataguyod umano ng prinsipyo ng good governance na siya pa ring isinusulong ng kasalukuyang administrasyon.
Idinagdag pa ni Defensor na si Erap ay hindi na pangunahing isyu ngayong papalapit na ang May elections dahil ang kinukuwestiyong termino nito ay papatapos na.
Inihayag pa ni Defensor na sa Enero 12 malalaman ang pinaka-pinal na listahan ng koponan ng K-4 dahil hanggang ngayon ay itinuturing na bakante ang number 12 slot na sinasabing nakareserba na kay Miriam. (Ulat ni Ely Saludar)