^

Bansa

Pakikialam ng civil society sa pagsama ng maka-Erap sa K-4 sinopla ng Palasyo

-
Ipinagtanggol ni Presidential Spokesman on Campaign Issues Mike Defensor ang pagkuha ng K-4 team ni Pangulong Arroyo kina dating Senadora Miriam Defensor-Santiago at Sen. John Osmeña.

Ayon kay Defensor, ang pagsama ng mga kapanalig ni Erap sa administrasyon ay hindi umano nangangahulugan na nabalewala na ang tinatawag na adhikain ng Edsa Dos.

Niliwanag ni Defensor na ang Edsa Dos ay nagtataguyod umano ng prinsipyo ng good governance na siya pa ring isinusulong ng kasalukuyang administrasyon.

Idinagdag pa ni Defensor na si Erap ay hindi na pangunahing isyu ngayong papalapit na ang May elections dahil ang kinukuwestiyong termino nito ay papatapos na.

Inihayag pa ni Defensor na sa Enero 12 malalaman ang pinaka-pinal na listahan ng koponan ng K-4 dahil hanggang ngayon ay itinuturing na bakante ang number 12 slot na sinasabing nakareserba na kay Miriam. (Ulat ni Ely Saludar)

vuukle comment

AYON

CAMPAIGN ISSUES MIKE DEFENSOR

DEFENSOR

EDSA DOS

ELY SALUDAR

ERAP

JOHN OSME

PANGULONG ARROYO

PRESIDENTIAL SPOKESMAN

SENADORA MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with