^

Bansa

GMA,Noli nagsumite na ng COC

-
Buong puwersang naghain kahapon ng certificate of candidacy (COC) sina Pangulong Arroyo, running mate nito na si Sen. Noli de Castro at 11 senatoriables sa Comelec sa ilalim ng kanilang bagong movement na Koalisyon ng Katapatan at Karanasan sa Kinabukasan (K-4) kapalit ng People Power Coalition (PPC).

Dakong alas-9:45 ng umaga ng lumabas at pangunahan ni Pangulong Arroyo ang kanyang partido ng paghahain ng COC mula sa pinagpulungang Plaza Roma sa Intramuros, Maynila.

Kabilang sa 11 mga kandidatong senador ng administrasyon ay sina re-electionist Senators Rodolfo Biazon, Robert Barbers, Robert Jaworski at John Osmeña; Pia Cayetano, anak ng yumaong Sen. Rene Cayetano; dating Defense Sec. Orlando Mercado, dating DTI Sec. Mar Roxas, Tourism Sec. Richard Gordon, dating VRB Chairman Bong Revilla, Pampanga Gov. Lito Lapid at ARMM Gov. Farouk Hussin.

Inireserba naman ang pang-12 kandidato base sa kahilingan ni dating Sen. Miriam Defensor-Santiago habang hindi pa nakakapagpasya kung sasali sa senatorial slate ng administrasyon.

Nabatid na nalaglag sa line-up ng Lakas ang unang lumutang na sina Bulacan Gov. Roberto Pagdanganan at dating Sen. Heherson Alvarez.

Sa record ng Comelec, pang-57 si Pangulong Arroyo sa mga presidentiables na nag-file ng COC habang ang kabuuang bilang ng mga kakandidato sa pagka-bise presidente ay 17 at 67 sa pagka-senador. (Ulat nina Lilia Tolentino/Ellen Fernando)

BULACAN GOV

CHAIRMAN BONG REVILLA

COMELEC

DEFENSE SEC

ELLEN FERNANDO

FAROUK HUSSIN

HEHERSON ALVAREZ

JOHN OSME

LILIA TOLENTINO

LITO LAPID

PANGULONG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with