Ang pagpanaw ni Lobregat ay kinumpirma mismo ng anak nito si Zamboanga City Congressman Celso Lobregat.
Ayon sa kongresista , dakong 11:50 ng gabi ng bawian ng buhay ang kanyang ina.
Sinabi ng solon na ang bangkay ng ina ay dadalhin sa Zamboanga City para paglamayan ng tatlong araw bago ito ibalik sa Maynila para ilibing sa tabi ng pinaglibingan sa asawa nitong si Celso Lobregat Sr.
Si Mayor Lobregat, 83, ay kilala bilang ina ng mga Zamboangeños at kilala sa taguring Tita maging noon pang kasalukuyan itong Kongresista sa lungsod. Kabilang siya sa naging instrumento para di mapabilang ang Zamboanga City sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
Nabatid pa na bago namatay ang alkalde ay plano nitong bumalik sa Zamboanga City para ihanda ang pagsusumite ng certificate of candidacy ng kanilang partido. (Ulat ni Roel Pareño)