Nagtungo kahapon ng umaga sa satellite office ng Commission on Elections sa nasabing lungsod ang dalawang opisyal upang pormal na ihain ang kanilang kandidatura.
Kabilang sa mga official candidates ni Mayor Belmonte sa kongreso ang anak ni Executive Secretary Alberto Romulo na si Berna Romulo-Puyat (Dist. 1); Annie Susano (Dist. 2), re-electionist Maite Defensor (Dist. 3) at Nanette Castelo-Daza (Dist.4).
Ilan sa kanyang mga konsehal ay sina Elizabeth Delarmente, Jun Ferrer, Bernadette Herrera-Dy, Rommel Abesamis at Joseph Juico (Dist. 1); Bong Liban, Aiko Melendez, Allan Francisco, Ramon Toto Medalla, Winston Castelo, Jorge Banal at Eric Medina (Dist. 2); Lala Sotto, Wency Lagumbay, Jaime Borres at Dante de Guzman (Dist. 3); Neneng Montilla, Ariel Inton, Ricardo "Viva" del Rosario, Resty Malangen at Edcel Lagman Jr. (Dist. 4).
"Our team will continue the progress we started in Quezon City toward becoming a "quality city" in the country," pahayag ni Belmonte.
Nagpasalamat din sina Belmonte at Bautista sa mga barangay leaders na nagtungo sa Comelec para suportahan ang kanilang political team.
Samantala, kahapon ay sinimulan na rin ng mga lokal na opisyal ng Metro Manila ang paghahain ng kani-kanilang COC sa local Comelec sa kanilang mga distrito.
Si Manila Mayor Lito Atienza na incumbent ay naghain ng kanyang COC kasama ang kanyang bise na si Don Bagatsing, habang sa Caloocan ay nagharap ng COC si Boy Asistio na mahigpit na kalaban ng kampo ni Mayor Rey Malonzo.
Si Mayor Joey Marquez ay nagsumite rin ng kanyang kandidatura upang tumakbo bilang kongresista ng 2nd district ng Parañaque.
Inaasahan na dadagsain ang Comelec bukas ng mga kandidato dahil ito ang ibinigay na deadline upang maghain ng COC. (Ulat ni Angie dela Cruz/Ellen Fernando)