FPJ walang dapat ipaliwanag - Sotto
January 4, 2004 | 12:00am
Mananahimik lamang si Fernando Poe Jr. sa mga nagsusulputang reklamo hinggil sa pinili nitong vice presidential at senatorial candidates para sa May 2004 elections.
Ayon kay Sen. Vicente Sotto III, acting spokesman ng Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino (KNP), hindi na umano magpapaliwanag sa publiko si FPJ kung bakit si Sen. Loren Legarda ang kanyang napiling running mate at kung bakit wala sa senatorial line-up si dating San Juan Mayor Jinggoy Estrada.
Umaasa si Sen. Sotto na lilipas din ang sama ng loob ng mga ito at maiintindihan nila kung bakit ang mga kandidatong ito ang napili ni FPJ.
Naniniwala pa si Sotto na hindi rin magiging isyu kay Legarda ang power purchased adjustment (PPA) dahil sa pagiging malapit niya sa pamilya Lopez, may-ari ng Meralco, dahil hindi naman umano nadidiktahan ang mga desisyon nito sa pulitika.
Ipinaliwanag naman nito na kaya hindi kinuha ni FPJ si Jinggoy ay dahil na rin sa problemang maaaring kaharapin nito sakaling ipitin siya ng Sandiganbayan sa kaso nito. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended