Mayor Malonzo may 'personality disorder'
January 3, 2004 | 12:00am
Posibleng mapunta sa wala ang pinaghirapan ni Caloocan City Mayor Reynaldo Malonzo para mapakasalan ang kinakasamang si Wendoline "Gigi" Malonzo makaraang ideklara ang una ng hukuman na may diperensiya sa pag-uugali o psychologically incapacitated.
Base sa 16 pahinang desisyon ni Caloocan City Regional Trial Court (RTC) Judge Victoria Isabel Paredes, pinaburan nito ang rekomendasyon ng isang doktor na sumuri kay Malonzo na siya ay nakakaranas ng "Narcissistic Personality Disorder."
Sa naging rekomendasyon sa hukuman ni Dr. Natividad Dayan, ang doktor na sumuri kay Malonzo, natuklasan nito na ang alkalde ay nakakaranas ng naturang sakit na itinuturing na seryoso at hindi na maaari pang gamutin.
Nilinaw ni Dr. Dayan na ang Narcissistic Personality Disorder ay ang pag-uugali kung saan ang isang tao ay sobra ang bilib o pagmamahal sa kanyang sarili.
"From the test administered, she (Dr. Dayan) found that the petitioner (Malonzo) is suffering from a Narcissistic Personality Disorder, a grave, very serious and incurable disorder which makes him psychologically incapacitated to comply with his marital obligations," sabi sa bahagi ng desisyon ng hukuman.
Nauna nang iginiit ng alkalde na may diperensiya ang kanyang unang asawa na si Mrs. Veronica Ayson-Malonzo dahil siya umano ay walang kakayahan na gampanan ang kanyang tungkulin bilang isang ina at maybahay.
Ang naturang kaso ay pinaboran din ni Dr. Gregorio Diokno subalit hindi naman umano maituturing na sakit batay sa kanyang pagsusuri.
Ito rin ang dahilan upang hindi tutulan pa ni Assistant Solicitor General Nestor Balacillo ang petition for annulment na isinampa ni Malonzo sa Caloocan RTC.
Naniniwala si Balacillo na kung susundin ang desisyon ni Paredes, ang tunay na psychologically incapacitated ay ang alkalde.
Dahil sa naging deklarasyon ni Dr. Dayan na hindi na maaaring magamot pa ang psychology incapacity ni Malonzo ay maaaring mabalewala rin umano ang naging kasal nila ni Gigi Malonzo noong Disyembre 29, 2003 kay Caloocan RTC Judge Silverio Bello Jr.
Sa naging desisyon ni Paredes, kinatigan nito ang pagsusuri ni Dr. Dayan sa pagsasabing ang "sakit" na ito ni Malonzo ang naging dahilan para bumagsak ang kanilang pagsasama ni Ayson-Malonzo kaya dapat lamang ipawalang bisa ang kanilang kasal. (Ulat nina Ricky Tulipat/Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am