Sa isang statement, inihayag ni Golez na magkakabisa ang kanyang pag-alis sa Gabinete sa Enero 5 kasabay ng paghahain niya ng certificate of candidacy sa Comelec.
Ayon kay Golez, nagpaalam na siya kay Pangulong Arroyo at pinayagan naman ito.
Si Golez ay nagsilbing kongresista ng tatlong termino sa Parañaque bago ito nahirang bilang National Security adviser ng Arroyo administration.
Siya ang ikatlong miyembro ng Gabinete na nagbitiw sa puwesto para sumabak sa halalan.
Una nang nagresign si dating Trade and Industry Sec. Mar Roxas na kakandidatong senador at sinundan ni Justice Sec. Simeon Datumanong na tatakbong kongresista sa Mindanao. (Ulat ni Ely Saludar)