Golez magbibitiw sa Gabinete
January 2, 2004 | 12:00am
Tuluyan na ring magbibitiw sa tungkulin si National Security Adviser Roilo Golez para bigyang katuparan ang kanyang ambisyong kumandidatong kongresista sa 2nd district ng Parañaque sa ilalim ng Lakas party sa darating na May 2004 elections.
Sa isang statement, inihayag ni Golez na magkakabisa ang kanyang pag-alis sa Gabinete sa Enero 5 kasabay ng paghahain niya ng certificate of candidacy sa Comelec.
Ayon kay Golez, nagpaalam na siya kay Pangulong Arroyo at pinayagan naman ito.
Si Golez ay nagsilbing kongresista ng tatlong termino sa Parañaque bago ito nahirang bilang National Security adviser ng Arroyo administration.
Siya ang ikatlong miyembro ng Gabinete na nagbitiw sa puwesto para sumabak sa halalan.
Una nang nagresign si dating Trade and Industry Sec. Mar Roxas na kakandidatong senador at sinundan ni Justice Sec. Simeon Datumanong na tatakbong kongresista sa Mindanao. (Ulat ni Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am