Sinabi ni Rep. Tulagan na dapat nang sunugin ngayong Bagong Taon ng mga awtoridad ang mga nakumpiskang shabu habang nagpapaputok naman ng firecrackers ang mga mamamayan.
Magiging maganda aniya ang simula ng kampanya ng pulisya laban sa illegal na droga ngayong pagpasok ng 2004 kung isasabay sa pamamaalam ng taong 2003 ang mga nakumpiskang shabu.
Nangangamba si Tulagan sa posibilidad na muling bumalik sa mga lansangan ang shabu na nakumpiska na ng pamahalaan dahil sa ilang tiwaling miyembro ng kapulisan.
Isa pa aniya sa nakakabahala ay ang kawalan ng actual accounting ng mga nakumpiskang shabu ng mga awtoridad sa nakaraang ilang taon.
Muling iginiit ng solon sa House committee on dangerous drugs ang pagsasagawa ng aktuwal na inspeksiyon sa mga tanggapan ng gobyerno kung saan itinatago ang mga nakumpiskang shabu at iba pang illegal na droga. (Ulat ni Malou Rongalerios)