^

Bansa

Nakumpiskang mga shabu pinasusunog ngayong Bagong Taon

-
Hinikayat kahapon ni Pangasinan Rep. Generoso Tulagan si Pangulong Arroyo na ipag-utos ang agarang pagsunog ngayong New Year’s Day sa multi-bilyong halaga ng shabu na nakumpiska ng pulisya sa iba’t ibang raids sa bansa.

Sinabi ni Rep. Tulagan na dapat nang sunugin ngayong Bagong Taon ng mga awtoridad ang mga nakumpiskang shabu habang nagpapaputok naman ng firecrackers ang mga mamamayan.

Magiging maganda aniya ang simula ng kampanya ng pulisya laban sa illegal na droga ngayong pagpasok ng 2004 kung isasabay sa pamamaalam ng taong 2003 ang mga nakumpiskang shabu.

Nangangamba si Tulagan sa posibilidad na muling bumalik sa mga lansangan ang shabu na nakumpiska na ng pamahalaan dahil sa ilang tiwaling miyembro ng kapulisan.

Isa pa aniya sa nakakabahala ay ang kawalan ng actual accounting ng mga nakumpiskang shabu ng mga awtoridad sa nakaraang ilang taon.

Muling iginiit ng solon sa House committee on dangerous drugs ang pagsasagawa ng aktuwal na inspeksiyon sa mga tanggapan ng gobyerno kung saan itinatago ang mga nakumpiskang shabu at iba pang illegal na droga. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BAGONG TAON

GENEROSO TULAGAN

HINIKAYAT

ISA

MALOU RONGALERIOS

NEW YEAR

PANGASINAN REP

PANGULONG ARROYO

TULAGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with