Konsehal dinukot, pinatay
December 31, 2003 | 12:00am
RODRIGUEZ, Rizal Isang retiradong pulis na ngayon ay konsehal sa bayan ng Silang, Cavite ang natagpuang patay sa gilid ng isang ilog, samantalang natagpuan naman ang sasakyan nito sa isang tambakan ng basura dalawang kilometro ang layo sa pinagtapunan ng bangkay sa bayang ito kamakalawa.
Ang biktima ay nakilalang si retired SPO4 Zoilo Reyes, 50, residente ng Brgy. Munting Ilog sa Silang at kasalukuyang konsehal sa naturang lugar.
Mayroon itong dalawang tama ng bala sa ulo mula sa hindi pa batid na kalibre ng baril ng matagpuang nakahandusay sa gilid ng ilog sa Don Mariano Avenue extension, Bgy. San Jose, sa bayang ito.
Ilang metro ang layo sa bangkay ay narekober naman ang sasakyan nitong kulay puting Nissan Terrano na may plakang WDL-246 sa gilid ng Rodriguez landfill na puno ng dugo ang loob.
Sa ulat na nakarating kay Rizal Provincial Director Leocadio Santiago, nakita ang bangkay ng biktima dakong alas-8:30 ng umaga ng ilang mga residente ng nasabing lugar.
Huling nakita ang biktima dakong 7:30 ng gabi noong Dis. 28 at patungo umano ito sa Tagaytay para makipagkita sa hindi nakilalang kausap. Mula noon ay hindi na ito nakabalik pa sa kanyang pamilya.
Sa teorya ng pulisya, posibleng dinukot ang biktima sa isang lugar sa Cavite at sa bayan na lang ng Rodriguez dinala at pinatay upang lituhin ang pulisya.
Kasalukuyang inaalam pa ang motibo at kung sino ang may kagagawan ng nasabing pagdukot at pamamaslang. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended