^

Bansa

Lacson nag-file na ng COC sa pagka-president

-
Pormal nang naghain ng kanyang kandidatura sa Commission on Elections (Comelec) sa pagka-pangulo si Senador Panfilo Lacson gamit ang bandera ng Laban ng Demokratikong Pilipino (LDP).

Bandang 8:10 ng umaga ng dumating ito sa main office ng Comelec sa Intramuros, Maynila at mainit na sinalubong ng daang supporters nito.

Kinakitaan naman ng kasiglahan sa mukha at tiwala sa sarili ang senador nang dumating ito sa Comelec dala ang nominasyon ng LDP.

Hinarap muna ni Lacson ang daang supporters na nakasuot ng kulay pulang damit at may hawak na streamers. Dala ng mga supporter ang grupong Citizens Movement for ORDER (Order, Responsive Governance, Democratization Economic Growth & the Rule of the Law) na naniniwalang si Lacson ang tanging pag-asa ng kinabukasan ng mga Filipino.

"Wala ng atrasan, tuluy-tuloy na ito, lilipulin natin ang mga bulok sa gobyerno," ayon pa kay Lacson.

Kasama ni Lacson ang kanyang buong pamilya at si Nueva Ecija Rep. Carlos Padilla na nagsumite naman ng kandidatura para senador.

Sinamahan rin si Lacson sa Comelec ng mga LDP stalwarts na pinangunahan ni Makati Rep. at LDP secretary-general Agapito "Butz" Aquino, San Juan Rep. Ronnie Zamora, Rep. Mar Canonigo ng Bulacan at Rep. Rolex Suplico.

Sa kabila nito, inihayag naman ni Comelec Chairman Benjamin Abalos na ngayon nito dedesisyunan ang gusot ng isinampang petisyon ng magkabilang kampo na umaangkin sa nominasyon ng LDP.

Si Angara ay nagsampa rin ng petisyon sa Comelec na humihiling na ang kanyang kampo ang dapat kilalanin ng komisyon bilang partidong pulitikal at hindi ang kampo ni Lacson at Aquino.

Ayon kay Abalos, magpapalabas ng en banc decision ang komisyon sa kung kaninong kampo makakakuha ng pagkilala ang partido. (Ulat ni Gemma Amargo)

AQUINO

CARLOS PADILLA

CITIZENS MOVEMENT

COMELEC

COMELEC CHAIRMAN BENJAMIN ABALOS

DEMOCRATIZATION ECONOMIC GROWTH

DEMOKRATIKONG PILIPINO

GEMMA AMARGO

LACSON

MAKATI REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with