GMA-Noli team pinal na!
December 30, 2003 | 12:00am
Matapos ang ilang buwang pagpapaliguy-ligoy, tinapos na ang usap-usapan kung anong puwesto at kaninong partido tatakbo si Senador Noli de Castro ng pormal nang kinumpirma kahapon ng senador ang kanyang pagtanggap sa alok ni Pangulong Arroyo upang maging running mate nito sa darating na halalan.
"I am confirming that I have accepted the invitation of Her Excellency, President Gloria Macapagal-Arroyo to be her running mate in the forthcoming national elections in May 2004," sabi ni de Castro sa isang pahinang press statement nito.
Ikakasa na ng Malacañang ang kanilang powerhouse ticket para sa May 2004 presidential at vice-presidential elections nang maiporma ang tambalang GMA-Noli na sinasabing dream team.
Ipinaliwanag pa nito na dahil sa pagmamahal sa kanya ng mga tao, base na rin sa kanyang pagbandera sa mga survey, ay minabuti na lamang niyang suklian ito sa pamamagitan ng pagtakbo sa vice presidential race.
"I believe that as a vice presidential candidate, I would be of service in unifying our nation and help to uplift the lives of our countrymen," dagdag pa nito.
Bagamat hindi pa pormal na ipinahayag ng Pangulo kung sino ang kanyang magiging running mate, umatras na kahapon ang isa pang vice presidential candidate ng ruling Lakas- Christian Muslim Democrats na si Senador Robert Barbers. Magse-senador na lamang si Barbers para hindi na umano mahirapang pumili ng bise si GMA.
"I am withdrawing for the sake of party unity," sabi ni Sen. Barbers.
Kung umurong naman sa laban ng pagka-bise si Barbers, tuloy naman ang isa pang kandidatong bise ng administrasyon na si Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Bayani Fernando. Sa Enero 5 ay magbibitiw na ito sa MMDA para tumakbo sa pagka-bise. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Gemma Garcia | 8 hours ago
By Doris Franche-Borja | 8 hours ago
By Ludy Bermudo | 8 hours ago
Recommended