'Floating bomb' na barko pinayagang bumiyahe ng PCG
December 29, 2003 | 12:00am
Sa kabila ng panganib dulot ng posibleng pagsabog sa karagatan, pinayagan ng Philippine Coast Guard (PCG) na makabiyahe ang isang barko na tinaguriang "floating bomb" kahit na may nakabinbin pang kaso laban dito sa korte.
Nabatid na nagpalabas ng Certificate of Inspection (CI) ang PCG para pahintulutang pumalaot ang barkong M/V Golden Swan na may kategoryang Light Craft Transport (LCT).
Noong nakalipas na buwan ng Mayo, sa pamamagitan ni dating PCG commandant Rear Admiral Reuben Lista, ay nanindigan ito na hindi pagkalooban ng CI ang barkong Golden Swan dahil sa kategorya nitong LCT na para lamang sana sa pagbibiyahe ng mga ordinaryong mga cargo goods.
Binigyang-diin noon ni Lista na hindi maaaring pagkalooban ng CI ang nasabing barko dahil sa hindi nito pagtupad sa mga itinatadhanang alituntuning pangkaligtasan dahil sa pagkarga ng Golden Swan ng mga mapanganib na kemikal tulad ng "Anhydrous ammonia at "Liquid Carbon Dioxide" kahit na hindi angkop ang barko para dito.
Nabatid na tinanggihan din ni MARINA Administrator Oscar Sevilla na pagkalooban ng CI ang LCT-Golden Swan ngunit nagmatigas ang may-ari nito na si Tomas Tan ng Pheschem Inc. sa pagdadala ng mga mapanganib na kemikal sa pamamagitan ng pagkakabit ng limang "pressurized bullet tanks" na puwedeng tumagas sa karagatan habang naglalayag.
Ang pagtutol ni Lista at Sevilla ay base sa itinatadhanang batas ng Philippine Merchant Marine Rules and Regulation 1997 na nagsasabi na walang barko na dapat maging "dual purpose."
Dahilan din sa mga iregularidad ng LCT-Golden Swan ay nagprotesta ang Philippine Petroleum Sea Transport Association at ang Philippine Inter-Island Shipping Association.
Sa kabila nito ay sapilitan pa ring inaatasan ng Marina Board of Directors ang PCG upang magpalabas ng CI para sa naturang barko. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am