^

Bansa

RP alerto sa 'mad cow disease'

-
Inatasan ni Pangulong Arroyo sina Agriculture Secretary Cito Lorenzo at Trade Secretary Cesar Purisima na masusing bantayan ang lokal na pamilihan laban sa pagpasok ng karneng baka mula sa US na apektado ng kinatatakutang "mad cow disease."

Pinalabas ng Pangulo ang direktiba kasunod ng ulat na nagkaroon umano ng "mad cow disease" ang mga baka sa Washington State.

Dahil dito, inalerto ng Palasyo ang DA at DTI na harangin ang lahat na karne mula sa US.

Sinasabi sa ulat na pinag-aaralan na rin ng Taiwan, Singapore, Thailand at Malaysia ang pagpapataw ng ban sa importasyon ng karneng baka mula sa Amerika para makaiwas ang kanilang mamamayan sa epekto ng naturang sakit.

Sinabi ng Malacañang na alerto lang at pag-iingat ang direktiba ng Pangulo dahil maliit lang na porsiyento ang kinokonsumong karneng baka na inaangkat ng Pilipinas mula sa Amerika.

Ang malaking bahagi ng inaangkat na karneng baka ng bansa ay mula sa Australia at iba pang Asian countries.

Magugunitang noong 2001, bumagsak ang industriya ng baka sa Japan matapos tamaan ng "mad cow disease" ang naturang bansa.

Kaya naman ang Japan ay nagpapatupad ng mahigpit na ban sa importasyon ng baka sa mga bansang apektado ng "mad cow."- Lilia Tolentino-

vuukle comment

AGRICULTURE SECRETARY CITO LORENZO

AMERIKA

BAKA

DAHIL

LILIA TOLENTINO

PANGULO

PANGULONG ARROYO

TRADE SECRETARY CESAR PURISIMA

WASHINGTON STATE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with