^

Bansa

Fund raising booths sa nasalanta sa Leyte itinayo sa SM malls

-
Sinimulan na kahapon ng mga mambabatas mula sa Leyte ang kanilang fund-raising campaign bilang tulong sa mga pamilyang naapektuhan at nasalanta ng pagguho ng lupa sa naturang probinsiya.

Sinabi nina Leyte Reps. Trinidad Apostol (2nd dist.) at Carmen Cari (6th dist.) na binuksan nila ang "Bulig sa Landslide" booths sa loob ng mga SM malls sa buong bansa.

Tatanggapin nito ang anumang uri ng donasyon maging cash, pagkain o kagamitan at anumang tulong para sa mga taga-Mindanao.

Binuo ng mga Leyte solons ang kampanya upang matulungan ang kanilang mga nasasakupan na naapektuhan ng ilang araw na tuluy-tuloy na pag-ulan.

Ang "bulig" ay nangangahulugan ng tulong na isang dialect sa Leyte.

Nanawagan ang mga mambabatas sa lahat ng customers ng SM na tumulong sa daan-daang pamilyang nawalan ng mahal sa buhay, ari-arian at hanapbuhay sa nasabing trahedya.

Kahit magkanong halaga o anumang bagay na kanilang maitutulong ay tatanggapin ng grupo na isang magandang regalo sa Pasko.

Ang makakalap na tulong mula sa booths sa SM ay dadalhin sa evacuation centers sa mga apektadong lugar sa Leyte. (Ulat ni Malou Rongalerios)

vuukle comment

BINUO

BULIG

CARMEN CARI

KAHIT

LEYTE

LEYTE REPS

MALOU RONGALERIOS

MINDANAO

TRINIDAD APOSTOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with