^

Bansa

20 pasahero ng lumubog na ferry nailigtas sa karagatan ng Malaysia

-
Ligtas na nasagip ng search and rescue team ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 20 sa nawawalang 70 pasahero ng lumubog na ML Piary ferry boat matapos na mamataan ang mga ito na palutang-lutang sa karagatan ng Malaysia kamakalawa ng gabi.

Sa ulat nina Navy spokesman Commander Geronimo Malabanan at PCG chief, Commodore Arthur Gosingan, namataan ng mga tripulante ng M/V Valor na patungo sanang Guandong, China ang mga biktima na nanlulupaypay na sa matinding lamig at gutom habang lumulutang gamit ang mga life jacket dakong alas-7 ng gabi sa karagatan malapit sa Binggayan Island, Malaysia.

Kinilala ang mga nailigtas na sina Golden Sivil, 52; Jeffrey, 17 at Mads Marod, 55; Benary Sappay, 32; Etom Badidel, 60; Sailon Marisol, 58; Johan Hassan, 32; Apang Sivil, 48; Saheda Abdul Rahim, 45; Nora Aldani, 30; Sam Sudin Sarael, 30; Norlea Mahamad, 40; Sandra, 32 at Nemin Asaral, 10; Wowie Kulabi, 19; Nasilin, 55; Alex, 9; at Joey Mohamad, 6, at Garcia Jaali, 19.

Dakong alas-2:20 ng madaling araw kahapon ng sunduin ng Phil. Navy ship BRP Quezon ang naturang mga survivors.

Samantala, patuloy pa rin sa paghahanap ang PCG, Navy at Air Force para sa nalalabing mahigit sa 50 pang pasahero na sakay ng lumubog na barko. (Ulat nina Danilo Garcia/Joy Cantos)

vuukle comment

AIR FORCE

APANG SIVIL

BENARY SAPPAY

BINGGAYAN ISLAND

COMMANDER GERONIMO MALABANAN

COMMODORE ARTHUR GOSINGAN

DANILO GARCIA

ETOM BADIDEL

GARCIA JAALI

GOLDEN SIVIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with