^

Bansa

Lina ilalagay sa DOJ

-
Kabilang ang pangalan ni Department of Interior and Local Government Sec. Joey Lina sa mga lumutang para humawak ng Department of Justice (DOJ).

Ayon sa isang mataas na opisyal ng DOJ na tumangging magpabanggit ng pangalan, isa umano si Lina sa mga napupusuan ng Palasyo ng Malacañang para humawak ng Justice department na babakantihin ni Secretary Simeon Datumanong.

Si Datumanong ay nagbitiw sa nasabing posisyon bunga ng plano niyang pagtakbo bilang kongresista sa lalawigan ng Maguindanao.

Sinabi ng source na mababalasa ng husto ang hanay ng Gabinete ni Pangulong Arroyo dahil sa pagbibitiw sa tungkulin ng mga miyembro ng Gabinete na inumpisahan ni dating DTI Sec. Mar Roxas.

Posibleng si DOTC Sec. Leandro Mendoza umano ang ipalit kay Lina kung tatanggapin nito ang DOJ portfolio.

Isang mabigat na posisyon ang DOJ sa darating na halalan dahil ang mga city at provincial prosecutors ang tumatayong board of canvassers sa eleksiyon.

Ito ay katiyakan na hindi magkakaroon ng dayaan sa eleksiyon sa pamamagitan ng pagbabantay ng DOJ secretary sa pamamagitan ng kanyang mga piskal sa buong bansa.

Inaasahang ihahayag na ng Palasyo ang magiging kapalit ni Datumanong anumang araw mula ngayon.

Ilan sa mga magbabanggaan sa puwesto mula sa insiders para sa DOJ ay sina Justice Undersecretaries Merceditas Gutierrez na kaklase ni First Gentleman Mike Arroyo, at Jose Calida na abugado ng Jesus Is Lord Church ni Bro. Eddie Villanueva.

Sa outsiders naman ay lumutang ang pangalan nina dating SC Associate Justice Josue Bellosillo, House Deputy Speaker Raul Gonzales at dating Pangasinan Gov. Oscar Orbos. (Ulat ni Grace dela Cruz)

ASSOCIATE JUSTICE JOSUE BELLOSILLO

DEPARTMENT OF JUSTICE

EDDIE VILLANUEVA

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

GABINETE

HOUSE DEPUTY SPEAKER RAUL GONZALES

JESUS IS LORD CHURCH

JOEY LINA

JOSE CALIDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with