^

Bansa

Ferry lumubog: 70 nawawala

-
Patuloy pa ring pinaghahanap ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang ferry boat na may sakay na mahigit 70 pasahero na posibleng lumubog na matapos mawalan ng radio contact dito kamakalawa ng umaga sa karagatan ng Palawan.

Isang search and rescue operation na ang magkasanib na isinasagawa ng PCG, Phil. Navy at Philippine Air Force at nagpalipad na rin ng mga helicopters upang hanapin ang M/L Piarry, isang barko na yari sa kahoy at pag-aari ng isang Mohammad Hussin, subalit wala pa ring nakikitang palatandaan kung anong nangyari dito.

Nabatid sa ulat na umalis ang M/L Piary sa Cagayan de Tawi-Tawi dakong alas-5:45 ng umaga nitong Linggo patungong Brookspoint, Palawan.

Sakay ng naturang cargo vessel ang 62 na matatandang pasahero at 6 na bata, at 10 crew pati na ang may 140 sako ng bigas.

Dakong alas-8:45 kamakalawa ng umaga nang makatanggap ng distress call ang PCG mula sa kapitan ng M/L Piary at sinabing nasa panganib sila matapos na mabutas ang unahang bahagi ng sasakyang dagat dahil sa lakas ng hampas ng alon at hangin. Mula noon ay hindi na muling narinig pa.

Pinangunahan naman ni Capt. Godofredo Mandal ang paghahanap sa naturang cargo vessel ngunit nahirapan ang awtoridad na makita ito dahil sa sama ng panahon.

Hindi naman overloaded ang barko at idineklarang nasa kondisyon para pumalaot.

Sinabi naman ng PCG sa mga kaanak ng mga sakay ng ferry na patuloy nilang hahanapin ito upang mailigtas ang buhay ng mga pasahero sa kabila ng lakas ng alon at hagupit ng hangin. (Ulat nina Danilo Garcia at Joy Cantos)

BROOKSPOINT

DANILO GARCIA

GODOFREDO MANDAL

JOY CANTOS

L PIARRY

L PIARY

MOHAMMAD HUSSIN

PALAWAN

PHILIPPINE AIR FORCE

PHILIPPINE COAST GUARD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with