^

Bansa

DOJ Sec. Datumanong, napaaga ang pagbibitiw

-
Mapapabilis ang bakbakan sa mga pagpipiliang iupo bilang Kalihim ng Department of Justice (DOJ) nang kumpirmahin kahapon na ngayong araw na ang pormal na pagre-resign ni Justice secretary Simeon Datumanong taliwas sa nauna nitong idineklara na sa Disyembre 29 pa siya magbibitiw sa tungkulin.

Ayon sa source, sadya umanong inagahan ni Datumanong ang pag-alis sa puwesto upang maiwasan ang ‘midnight cases’ na planong isubo sa kanya na dedesisyunan nito bago pa siya tuluyang magresign.

Ayaw na umanong harapin ni Datumanong ang mga nakabinbing political cases at upang hindi siya magipit at makasakit ng damdamin ng magkabilang panig ay ipinasya na lamang nitong tanggihan ang mga magsasamantala na hatulan ito.

Bukod dito, inamin ni Datumanong na gusto niyang magkaroon ng sapat na panahon si Pangulong Arroyo sa pagpili ng kapalit nito.

Sa araw na ito, pipilitin ni Datumanong na tapusin ang kanyang mga naiwang trabaho at tuluyan nang haharap sa mga kawani at opisyal ng DOJ upang magpaalam.

Si Datumanong ang ikalawang gabinete ng pangulo na magbibitiw kasunod ni Trade and Industry secretary Mar Roxas III. Noong Enero 4, 2003 nang mailipat si Datumanong sa DOJ nang magbitiw si dating Justice secretary Hernando Perez.

Kabilang naman sa pinagpipilian na papalit kay Datumanong ang nagkakairingang sina Justice Usec. Jose Calida na inindorso ng Jesus is Lord (JIL) at Justice Usec. Merceditas Gutierrez na kaklase at kaibigan ni First Gentleman Mike Arroyo. (Ulat ni Ludy Bermudo)

vuukle comment

DATUMANONG

DEPARTMENT OF JUSTICE

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

HERNANDO PEREZ

JOSE CALIDA

JUSTICE USEC

LUDY BERMUDO

MAR ROXAS

MERCEDITAS GUTIERREZ

NOONG ENERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with