^

Bansa

Paalam, Ka Blas

-
Pangungunahan ngayon ni Pangulong Arroyo ang sambayanang Pilipino sa pagkakaloob ng huling pamamaalam kay Foreign Affairs Secretary Blas Ople sa libing niya ngayong umaga sa Libingan ng mga Bayani.

Ang Pangulo ay dumalo rin kagabi sa necrological service kay Ople sa Barasoain church sa Malolos, Bulacan.

Isang "state funeral" sa yumao ang iginawad ng Pangulo para kay Ople bilang pagkilala sa kanyang pagiging makabayan at matapat na opisyal ng pamahalaan noong panahong nabubuhay pa siya.

Bukod sa pagiging beterano ng Ikalawang Digmaan, si Ople ay naging Labor Minister sa ilalim ng administrasyon Marcos. Naging miyembro rin siya ng Batasang Pambansa, nahalal na senador pagkaraan ng EDSA 1 at nahirang na Foreign Affairs Secretary sa ilalim ng gobyerno ni Pangulong Arroyo. (Ulat ni Lilia Tolentino)

ANG PANGULO

BARASOAIN

BATASANG PAMBANSA

BAYANI

FOREIGN AFFAIRS SECRETARY

FOREIGN AFFAIRS SECRETARY BLAS OPLE

IKALAWANG DIGMAAN

LABOR MINISTER

LILIA TOLENTINO

OPLE

PANGULONG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with