^

Bansa

Robot bawal ng bisitahin

-
Bawal nang bisitahin ang nasakoteng si Abu Sayyaf leader Ghalib Andang alyas Kumander Robot sa kinalalagyan nitong intensive care unit sa AFP Medical Center sa Quezon City.

Ayon kay AFP surgeon general Col. Rafael Regino, naghigpit sila sa mga bumibisita kay Robot bunga na rin ng posibleng impeksiyon na maaring idulot nito sa sugat ng kanilang pasyente.

"That’s the reason kina-cut -off namin yung visitation because the visitors are practically inviting infection to the wound. That’s practically a sterile area," ayon pa kay Regino.

Sinabi ni Regino na may lagnat sa kanang binti si Robot na sa kasalukuyan ay dinadaan nila sa antibiotics.

Ipinaliwanag pa ni Regino na mas malakas na mahawa ng impeksiyon ang sugat ni Robot kung maraming bibisita rito.

Magugunita na si Robot ay pinutulan ng kaliwang binti matapos na masugatan sa engkuwentro sa Indanan, Sulu noong nakalipas na Disyembre 17.

Nabatid na bunga na rin ng kondisyon ni Robot na dumaraan sa serye ng operasyon matapos madiskubreng maraming taglay na karamdaman sa katawan ay maantala pa ng ilang araw ang pagsasailalim rito sa tactical interrogation ng militar. (Ulat ni Joy Cantos)

ABU SAYYAF

AYON

BAWAL

DISYEMBRE

GHALIB ANDANG

JOY CANTOS

KUMANDER ROBOT

MEDICAL CENTER

QUEZON CITY

RAFAEL REGINO

REGINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with