^

Bansa

Senado ok sa Enero 5 deadline sa COC

-
Pumayag na rin ang Senado sa desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na palawigin lamang ng tatlong araw ang orihinal na deadline sa paghahain ng certificate of candidacy (COC) para sa May 10, 2004 national at local elections.

Ayon kay Senate President Franklin Drilon, kuntento na sila sa paliwanag ni Comelec Chairman Benjamin Abalos na Enero 5 ang absolute deadline sa paghahain ng COC dahil sa ipatutupad nilang Absentee Voting Law.

Sa ilalim ng nasabing batas, ang botohan ng mga Pinoy sa ibang bansa ay magaganap 60 araw bago ang aktuwal na eleksiyon sa Pilipinas sa Mayo 10.

Sinabi ni Drilon na naiintindihan niya ang problema ng Comelec dahil kailangan pa nilang mag-imprenta ng mga balota upang ipadala sa iba’t ibang bansa upang makaboto ang mga overseas Filipino workers (OFWs) at immigrants.

Nais ni Drilon na palawigin sa Enero 15 ang orihinal na deadline na Enero 2 samantalang si opposition Sen. Edgardo Angara ay humihirit na iurong pa ito sa Enero 31.

Samantala, sinabi naman ni Comelec Director IV Ferdie Rafanan, umaabot na sa 25 na indibidwal ang nagsumite ng kanilang COC sa pampanguluhang posisyon, apat sa senador, dalawa sa bise presidente at tatlong kandidato para sa partylist representative. (Ulat nina Rudy Andal/Ellen Fernando)

vuukle comment

ABSENTEE VOTING LAW

COMELEC

COMELEC CHAIRMAN BENJAMIN ABALOS

COMELEC DIRECTOR

DRILON

EDGARDO ANGARA

ELLEN FERNANDO

ENERO

FERDIE RAFANAN

RUDY ANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with