GMA hindi mapapatalsik sa amnesty bill
December 20, 2003 | 12:00am
Walang basehan ang sinabi ni presidential contender Raul Roco na posibleng mapatalsik sa puwesto si Pangulong Arroyo sa pagsusulong nito ng panukalang amnestiya para sa mga tinaguriang kalaban ng pamahalaan.
Ayon kay Davao City Rep. Prospero Nograles, nasa kamay ng Kongreso ang responsibilidad na gumawa ng batas at wala kay Pangulong Arroyo.
Sinabi ni Rep. Nograles, tila nalilimutan ni Roco na isang dating kongresista, na ang Kongreso ang may kapangyarihan at hindi si Ginang Arroyo na gumawa ng mga batas na pinaiiral sa bansa.
Sinabi pa ni Nograles na ang Kongreso rin ang maglalatag kung papaano mabubuo ang ipinapanukalang National Healing and Reconciliation Commission at kung sinu-sino ang maaring mabigyan ng amnestiya.
Ayon pa sa chairman ng House committee on housing and urban development, walang ilegal kung sakali na ideklara bilang pambansang polisiya ang rekonsilasyon.
"Baka nakakalimutan ng mga tumututol na tanging presidential pardon lamang ang maibibigay ng Pangulo ng bansa sa mga nagkasala sa batas," pahayag pa ni Nograles. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended