'Big fish' sa jueteng lilipulin
December 20, 2003 | 12:00am
Dudurugin ni PNP Chief Director Gen. Hermogenes Ebdane Jr. ang lahat ng operasyon ng jueteng lords sa bansa, pati na ang sinasabing "malalaking isda," kaugnay sa pinaigting na kampanya laban sa naturang illegal numbers game at kasabay ng kanyang mahigpit na babala na sisibakin ang sinumang hepe ng pulisya na mapapatunayang protektor.
Binigyang diin ni Ebdane na layunin din ng naturang kampanya na maputol ang pagsasamantala ng mga jueteng lord sa mahihirap at mawawalan ng pagkukunang pondo ang mga tiwaling politiko para sa nalalapit na halalan. Isang beses lamang mapatunayang may jueteng sa isang lugar ay sibak agad ang hepe ng pulisya.
"Under this one-strike policy, a police chief faces summary dismissal once there is a confirmed jueteng or any illegal gambling in his jurisdiction," ani Ebdane.
Ayon sa PNP chief, ang nasabing patakaran ay maghahatid ng malakas na mensahe sa parehong gambling lords at mga protektor na seryoso ang pambansang pulisya sa pagpapatupad ng "zero tolerance" sa lahat ng anyo ng iligal na sugal.
Nabahala rin ang PNP sa mga ulat na ang panunumbalik ng jueteng operations partikular sa Luzon ay nais pagsamantalahan ang mga karaniwang manggagawang nakatanggap ng kanilang Christmas bonus at cash gifts at iba pang mga pamilyang nakatanggap ng dollar remittances mula sa kanilang mga kaanak na overseas Filipino workers.
"It will be a big waste if these extra cash of our people will be siphoned off by the greedy gambling lords," dagdag ni Ebdane.
Iniugnay ng PNP chief at iba pang key police officials ang lumalakas na operasyon ng jueteng sa 2004 elections kung saan ay inaasahang patatabain ng gambling lords ang bulsa ng mga politikong tatakbo sa ibat ibang lokal at pambansang posisyon.
Sinabi ni Ebdane na hindi dapat hayaang maimpluwensiyahan ng mga gambling lord ang resulta ng 2004 polls at kinakailangang pangalagaan ang kasagraduhan at integridad ng darating na halalan. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
23 hours ago
Recommended