Ayon sa Pangulo, nais niyang magkasundo na ang lahat ng sektor ng lipunan sa ngalan ng isinusulong niyang National Reconciliation Act.
Ang general amnesty ay sasakop din sa mga rebelde at mga sangkot sa destabilisasyon at problemang pulitikal sa bansa.
Gayunman, niliwanag ng Pangulo na nasa kamay pa rin ng Kongreso ang pinal na pagpapasya sa pagbibigay ng amnestiya sa lahat ng mga grupong hindi kasundo ng pamahalaan.
Niliwanag din ng Pangulo na nasa pagpapasya rin ng National Amnesty Commission kung isasama sa amnestiya ang pamilya Marcos. (Ulat nina Lilia Tolentino/Ely Saludar)