Bagong pasahe sa LRT depende sa distansiya
December 18, 2003 | 12:00am
Nilinaw ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na ang panibagong pasahe na ipinapatupad sa LRT 1 (Baclaran-Monumento) ay depende sa distansiyang ibiniyahe.
"Ang pasahe ay maaaring P12, P13, P14 o P15, depende sa bilang ng istasyon na lalakbayon ng pasahero," ayon kay Engr. Evangeline Razon, LRTA planning manager.
"Ayon sa aming pagsusuri, walong average na istasyon ang madalas na binabiyahe ng karamihan sa mga pasahero kaya mayroon lamang P1 karagdagan sa pasahe sa mga ito," sabi ni Razon.
Para sa mga gumagamit ng stored value (SV) ticket, na magagamit ng ilang beses, P12 ang singil para sa unang apat na istasyong biniyahe, P13 ang singil para sa ikalima hanggang ikawalong istasyon, P14 para sa ikasiyam hanggang ika-12 istasyon at P15 para sa ika-13 hanggang ika-17 istasyon. Ang SV ticket ay may presyong P60 at P100. Ito ay nagtataglay din ng "last ride bonus" dahil puwedeng gamitin ang tiket kahit ang natitirang balanse ay P1 na lamang.
Para sa mga gumagamit naman ng single journey (SJ) ticket, na magagamit lamang ng isang beses, P12 ang singil para sa unang apat na istasyon mula sa istasyong pinanggalingan at P15 para sa mga susunod na istasyon.
Upang hindi masyadong maapektuhan ng bagong scheme at magkaroon ng kaukulang impok kasama na dito ang last ride bonus, ang pamunuan ng LRTA ay hinihikayat ang mga pasahero ng LRT na tangkilikin ang paggamit ng SV ticket.
Pinaliwanag ni Razon na lahat ng pagbabago sa pasahe ay dumaan sa Fare Policy committee bago ito iprisinta sa LRTA Board upang aprubahan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended