Ping, FPJ kanya-kanya na
December 18, 2003 | 12:00am
Inihayag kahapon ni Sen. Panfilo Lacson na tuloy na ang kanyang pagtakbo bilang presidente sa May 2004 dahil kanya-kanya na sila ni Fernando Poe Jr. matapos ihayag ng action king na wala ng makapipigil sa kanyang kandidatura kung saan ay isusumite na niya ang kanyang COC sa December 29 bilang standard bearer ng United Opposition.
Sinabi ni Sen. Lacson na wala ring kahahantungan ang kanilang pag-uusap ni FPJ kung ang magiging tema lamang ay sasabihin ng aktor na tuloy ang kanyang pagkandidato.
Gayunman, umaasa pa rin ang senador na mag-uusap sila ni Da King bago sila magsumite ng kanilang certificate of candidacy sa Comelec pero sa sandaling "gumuho" ito ay siniguro niyang kakandidato na rin siya.
Iginiit pa ni Lacson na gagamitin pa rin niya ang laban ng Demokratikong Pilipino (LDP) sa pagsusumite niya ng COC sa Comelec sa kabila ng ginawang manipestasyon ni LDP president Sen. Edgaro Angara na huwag kilalanin ang magpa-file bilang standard bearer kung hindi niya ito inendorso.
Nanindigan naman kahapon si Angara na kahit tumuloy sa pagkandidato si Lacson sa ilalim ng LDP faction ay hindi nito maaapektuhan ang kandidatura ni FPJ.
Sinabi ni Angara, buo na ang desisyon ni FPJ na magsusumite ng kanyang certificate of candidacy sa December 29 bilang pambato ng United Opposition.
Aniya, kahit matuloy ang one-on-one nina Lacson at FPJ ay hindi makakaapekto ito sa magiging desisyon ng action king na sumabak sa presidential derby.
Wika pa ni Angara, nagsisimula na rin silang palakasin ang hanay ng United Opposition upang suportahan ng mga ito si FPJ.
Idinagdag pa ng LDP president, kung magsusumite man ng kanyang certificate of candidacy si Lacson ay ituturing siyang independent candidate dahil hindi naman siya ang opisyal na standard bearer ng LDP.
"Iisa lamang ang standard bearer ng oposisyon sa darating na May 2004 elections at ito ay si FPJ kaya ang sinumang hihiwalay sa koalisyon ay hindi siya puwedeng sabihing kandidato siya ng oposisyon," sabi pa ni Angara.
Inaasahan naman ng Lacson camp na mareresolba kaagad ng Comelec ang nasabing usapin ukol sa isyung ito bago pa man maghain ng kanyang COC ang senador bilang presidential candidate. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended