'Jesus Christ' tatakbo sa pagka-bise
December 17, 2003 | 12:00am
Kauna-unahang naghain ng kandidatura bilang bise presidente ang isang nagpakilalang "Jesus Christ" o Alfredo Ananaya sa tunay na pangalan.
Si Ananaya, 50, isang security guard at residente ng Quezon City ay kabilang sa 19 na naghain ng certificate of candidacy (COC) sa Comelec kahapon.
Nais niyang maging running mate si action king Fernando Poe Jr. sa darating na halalan subalit kung ayaw umano nito ay tatakbo na lamang siya bilang independent candidate.
Ipinagmalaki pa ni Ananaya na siya ay isa sa "utak" ng 1986 revolution na nagpatalsik sa rehimeng Marcos.
Kamakalawa, nagbigay ng kakatwang mga pahayag ang mga naghain ng kandidatura sa Comelec partikular ang isang babaeng lalaban sa pampanguluhan na si Salve Bush, isang OFW.
Ayon kay Salve, boyfriend niya si US Pres. George Bush at malapit na silang ikasal.
May mamimigay naman ng mga alahas sa mga magtatago ng kanyang calling cards kung mananalo.
Naidagdag pa sa ikalawang nag-file ng COC sina Cetura Aguilar, 62, isang misyonaryo at Merlito Lagata, 59, na pang-apat na beses nang kakandidato mula pa noong 1992, 1998 at 2001. (Ulat ni Ludy Bermudo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended