Bigtime credit card syndicate ibinunyag
December 15, 2003 | 12:00am
Tatlong high ranking officials ng Phil. National Police (PNP) ang ibinunyag ng isang mapapanaligang source ng PSN na umanoy nasa likod ngayon ng multi-millon dollar credit card syndicate na namiminsala sa ekonomiya ng bansa. Tinukoy ang credit card syndicate na "Boyet Samoy Gang".
Sa isang eksklusibong panayam sa source, ang credit card syndicate na ito ay may kakayahang magpabagsak ng kasalukuyang estado ng ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng skimming o large scale of credit fraud, drought in international credit bunsod ng pananalasa ng credit card syndicate na gamit ang mga authenticated pero pekeng international credit cards.
Sa kasalukuyan, umaabot na umano sa P100 milyon ang nakukulimbat ng nabanggit na sindikato mula sa mga inosenteng foreign at credit card holders.
Binanggit ng source na nagtagumpay ang Boyet Samoy Gang sa pamumuno umano ng isang PO3 Roberto Samoy na aktibong miyembro ng PNP at nakatalaga sa Criminal Investigation and Detection Group sa pamamagitan ng paggamit ng skimming device. Ito ay isang uri ng gadget na kayang kumopya o mag-duplicate ng credit accounts ng isang indibidwal sa pamamagitan ng pakikipagsabwatan sa mga merchants o establisimiyento kung saan ginagamit ang credit cards.
Nabatid pa na si Samoy din ang siyang responsable sa pagsasalin ng may P.8 milyon na pondo mula sa credit card ng isang dayuhang Amerikano na si Gerry Chipman na nakabase sa Los Angeles.
Noong Oct., 2002 ay nagtungo si Samoy sa Equitable PCI Bank, Pasay at nagpanggap na Chipman gamit ang pinekeng credit card na may litrato ni Samoy. Dahil dito ay mabilis niyang nakulimbat ang nasabing halaga.
"Hindi malayong gamitin ng mga kasalukuyang kalaban ng pamahalaan ang sindikatong ito upang pagkunan ng pondo para sa darating na eleksyon na siya ring naganap sa bansang Taiwan kung saan ang kasalukuyang Prime Minister nito ay hindi naging ligtas sa katulad ding sindikato. (Ulat ni Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest