^

Bansa

Ka Blas Ople patay na

-
Inatake sa puso kahapon si Foreign Affairs Secretary Blas Ople habang sakay ng eroplano patungong Bahrain upang sumalubong sa pagdating ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ayon sa report, nadala pa si Ople,76, sa isang ospital sa Taoyuan sa north eastern Taiwan malapit sa Taipei International Airport matapos na mag-emergency landing ang sinasakyan nitong Japan Asia Airways mula Tokyo patungong Bangkok matapos na dumalo sa ginanap na summit ng Association of Southeast Asian Nations subalit hindi na rin naisalba pa ang buhay nito.

Si Ople ay patungo sa Bahrain upang sumalubong sa pagbisita doon ni Pangulong Arroyo pero inatake ito sa puso habang sakay ng eroplano at agad inilapag sa ospital sa Taiwan.

Ang mga labi ng Kalihim ay isinakay sa isang chartered plane pabalik sa Pilipinas kagabi.

Dahil dito, ipinagluksa ng buong sambayanan ang biglaang pagkamatay ni Ople.

Sa isang statement, sinabi ni Pangulong Arroyo na isang malaking kawalan sa bansa ang pagyao ni Ople na itinuturing na isang great Filipino at arkitekto ng Philippine foreign policy.

"The nation mourns the death of a great Filipino. We were awed by the vision and indomitable wit of Secretary Blas Ople. He was an architect of Philippine foreign policy in the finest tradition of enlightened and pragmatic diplomacy, a rights collective security and rule of law. We will miss him and the world will miss him," pahayag ng Pangulo. Naniniwala naman ang mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na ang maagang pagpanaw ni Ople ay isang malaking kawalan para sa bansa.

Sa sama-samang pahayag, sinabi nina Representatives Willie Villarama (Bulacan), Prospero Pichay Jr. (Surigao del Sur), Rodolfo Albano (Isabela) at Robert "Ace" Barbers (Surigao del Norte) na si "Ka Blas" ay isang dakilang statesman na hindi inisip ang personal na interes para lamang sa kapakanan ng bayan.

Nakilala bilang batikang mambabatas, obrero at kalauna’y naging kalihim ng Ugnayang Panlabas, sinabi ng mga kongresista na maituturing si Ka Blas na pambansang kayamanan at isang tunay na lingkod ng bayan.

"Iniwan niya sa ating lahi ang tunay na kahulugan ng stateman at ang tunay na kahulugan ng paglilingkod. Kami ay nagpapasalamat dahil inialay niya ang kanyang buhay para sa sambayanang Pilipino," pahayag pa ng mga kongresista.

Samantala, inihayag ni Press Sec. Milton Alingod na ang magsisilbing acting DFA secretary ay si Usec. Franklin Ebdalin habang hindi pa nagdedesisyon si Pangulong Arroyo kung sino ang magiging permanenteng kapalit ni Ople.

Si Ebdalin ang siyang pinaka-senior na opisyal sa DFA at ito ang acting secretary. (Ulat nina Ely Saludar, Malou Rongalerios at Ellen Fernando)

vuukle comment

ASSOCIATION OF SOUTHEAST ASIAN NATIONS

BAHRAIN

ELLEN FERNANDO

ELY SALUDAR

FOREIGN AFFAIRS SECRETARY BLAS OPLE

ISANG

KA BLAS

OPLE

PANGULONG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with