Anomalya sa libro pinasisilip ni Oreta

Hiniling kahapon ni Sen. Tessie Aquino-Oreta sa Department of Education na silipin ang anomalya sa government textbook program matapos mabisto ng Commission on Audit (COA) ang hindi patas na distribusyon ng supply ng libro sa bawat subject.

Ginawa ni Sen. Oreta ang kahilingang ito matapos kuwestiyunin ng COA ang oversupply ng 1,196,866 libro sa subject na Math, Filipino at Sibika.

Ibinunyag pa nito na sa taong 2004, umaabot lamang sa P634 milyon ang inilaan ng pamahalaan para bumili ng 14 milyong libro, kapos pa rin ng 11 milyong libro upang maresolba ang shortage na ito.

Nagbabala pa ang lady solon na kung hindi aayusin ng DepEd ang iregularidad sa pagbili ng mga libro para sa pampublikong paaralan, posibleng lumobo ng husto ang backlog sa textbook. (Ulat ni Rudy Andal)

Show comments