Barbers kumpiyansang kukuning VP ni GMA
December 13, 2003 | 12:00am
Malamang na si Lakas Christian Muslim Democrats (Lakas CMD) vice presidential aspirant Senator Robert Barbers ang maging katambal ni Pangulong Arroyo sa halalan sa susunod na taon.
Sinabi ni Sen. Barbers na ang pagtanggi nina dating senador Raul Roco at Senador Noli de Castro sa alok ng Malacañang na maging vice presidential partner ay malaking tsansa para sa kanya na maging katambal sa presidential race ng Pangulo.
Isinusulong ngayon ang pagtakbo ni de Castro sa panguluhan ng isang grupo na nangangalap ng 3 milyong lagda para kumbinsihin ito na sumabak sa presidential race.
"I may yet emerge as the last man standing because up in the political sky, I see a silver lining," dagdag ng anti-crime senator.
Naniniwala ang mga miyembro ng partidong Lakas na si Barbers ang pinakamalakas na contender sa mga pagpipilian ni Pangulong Arroyo na may subok na kakayahan at karanasan at tapat sa partido.
Lamang din umano ang senador sa labanan bilang kinatawan ng rehiyong Mindanao na umanoy handa niyang ipaglaban ang karapatan, katulad ng Luzon at Visayas. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
4 hours ago
Recommended