^

Bansa

Ping, FPJ mag-uusap pa bago mag-file ng candidacy

-
Iginiit kahapon ni Sen. Panfilo Lacson na hihintayin muna niyang mag-usap sila ni action king Fernando Poe Jr. bago siya magsumite ng kanyang certificate of candidacy bilang kandidatong presidente para sa May 2004 elections.

Sinabi ni Sen. Lacson, naniniwala siya sa mga binitiwang salita ni FPJ na mag-uusap muna sila bago magdesisyon upang magkaroon lamang ng iisang standard bearer ang oposisyon.

Ayon kay Lacson, hindi muna siya magsusumite ng kanyang certificate of candidacy hanggang hindi sila nagpupulong ng aktor at ganito din ang inaasahan niyang gagawin ni FPJ sa kabila ng ginagawang pangungulit sa kanya ng mga pulitikong nagsasalita para sa kanya.

Aniya, hindi siya naniniwala sa mga ginawang pahayag ni Senate Minority Leader Vicente Sotto III na tinanggap na umano ni FPJ ang resolusyon ng Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino (KNP) upang maging standard bearer ito.

Wika pa ni Lacson, sakaling magsumite man siya ng kanyang certificate of candidacy sa Comelec ay gagamitin pa rin niya ang Laban ng Demokratikong Pilipino (LDP) dahil miyembro siya nito. (Ulat ni Rudy Andal)

ANIYA

AYON

COMELEC

DEMOKRATIKONG PILIPINO

FERNANDO POE JR.

IGINIIT

LACSON

NAGKAKAISANG PILIPINO

PANFILO LACSON

RUDY ANDAL

SENATE MINORITY LEADER VICENTE SOTTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with