FPJ paiikutin, gagamitin ng pulitiko
December 12, 2003 | 12:00am
Mga laos at may vested interest na pulitiko ang pangunahing makikinabang kapag naluklok na presidente si Fernando Poe Jr.
Sa pahayag ng isang opisyal mula sa kampo ni Sen. Panfilo Lacson, ang pag-amin ni FPJ na wala siyang alam sa pagpapatakbo ng gobyerno ang dahilan kung kaya sinasamantala ng mga laos na pulitiko ang kasikatan ng hari ng pelikulang Pilipino upang mailuklok ito bilang pangulo ng Republika.
Ipinaliwanag ng opisyal na dahil sa kamangmangan ni FPJ sa pulitika ay itong mga laos na pulitiko ang magpapasasa sa poder.
Naging obvious nitong mga nakaraang araw ang pagsusumigasig ni dating Sen. Juan Ponce Enrile, last termer Senators Tito Sotto at Edgardo Angara na makumbinsi si FPJ na tumakbo sa darating na presidential election.
Iprinoklama kamakalawa ng Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino (KNP) si FPJ bilang standard bearer ng oposisyon sa presidential election, pero hindi sumipot ang aktor sa Hotel Inter-continental Makati kung saan idinaos ang proklamasyon.
Hindi naman ikinagulat ni Lacson ang hindi pagtanggap ni FPJ sa nominasyon sa kanya dahil malamang anya na nakita ng aktor na hindi patas ang naging pagpili sa magiging standard bearer ng oposisyon.
"Isang tunay na gentleman si FPJ, marahil hinihintay muna niyang makapag-usap kami bago siya gumawa ng anumang hakbang," wika ni Lacson.
Sinabi ni Lacson na hindi makatarungan ang isinagawang selection process para sa kandidato ng oposisyon para pagka-pangulo at naniniwala siyang hindi basta-basta bibigay si Da King sa katusuhan ng mga pulitikong nagtutulak na tumakbo ang legendary action star. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am