Ito ang sinabi kahapon ni Jamby Abad Santos Madrigal, dating presidential adviser for childrens affairs, na nagpahayag ding ang pagsasama sa mga batang preso sa general jail population ay paglabag sa mga batas na may kaugnayan sa child criminals, gaya ng United Nations Convention on the Rights of the Child; Republic Act No. 8369 o ang Family Courts Act of 1997 at ng 2002 Rules on Juveniles in Conflict with the Law.
"Ang mga child offender ay dapat na ipagkatiwala sa kanilang mga magulang o kayay sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang sila ay mapagkalooban ng kaukulang rehabilitasyon," sabi ni Madrigal.
Umapela si Madrigal sa PNP officials na magsagawa ng tinatawag na child sensitivity seminars para sa kanilang mga tauhan at nagmungkahing humirang ng isang special officers para mangasiwa sa mga kaso ng batang-kriminal, gaya ng pagkakaroon ng woman officer na nangangasiwa sa mga kaso na may kinalaman sa kababaihan.
"Sa ngayon, lalong higit na kailangang mapigil ang detention ng mga child offender kasama ng mga adult prisoner at ang sino mang lalabag dito ay dapat na parusahan," sabi ni Madrigal, spokesperson ng Kontra-Pulitika Movement (KPM).
Tinawag din niya ang mga pulitiko na kumilos tungkol dito at huwag itong gamiting isang isyu na ang layunin ay mahalal lamang. (Ulat ni Ellen Fernando)