^

Bansa

Kaliwang paa ni Robot putol na

-
Pinutulan na ng kaliwang paa ang nadakip na si Abu Sayyaf Group (ASG) top leader Ghalib Andang alyas Kumander Robot sa isinagawang maselang operasyon sa AFP Medical Center sa Quezon City, subalit hindi pa 100% ang katiyakan na maisasalba ang kanang paa nito.

Kinumpirma kahapon ni AFP surgeon general Col. Rafael Regino na pasado alas-10 ng gabi nitong Martes ng magdesisyon ang medical team na putulin ang kaliwang paa ni Robot dahil sa impeksiyon na maaaring kumalat at makaapekto pa sa ibang bahagi ng katawan nito.

"If we prolong the condition it might progress to gangrene and promote secondary infection," ani Regino na nagsabi pang marami ang dugong nawala kay Robot at ngayo’y kasalukuyan pa ring inoobserbahan sa intensive care unit (ICU) ng nasabing pagamutan.

Sinabi ni Col. Regino na bunga ng pagputol sa kaliwang paa ni Robot ay isasailalim nila ito sa psychiatric treatment upang maibsan ang trauma na dinaranas nito sa kasalukuyan bunga ng pagkawala ng nasabing bahagi ng katawan nito.

Ayon pa kay Regino, malamang pagamitin na lamang si Robot ng artificial leg na yari sa kahoy dahil masyado umanong mahal ang battery operated na "robotic leg" na nagkakahalaga ng $5M na ini-import pa mula sa Amerika, Japan at Europe.

Aabutin ng P1 milyon ang maaaring gastusin ng pamahalaan para sa hospitalization ni Robot.

Sa kasalukuyan ay umaabot na sa mahigit P70,000 ang nagagastos ng AFP sa pagpapagamot dito at ang rehabilitasyon nito ay tatagal mula 3-6 buwan. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

AABUTIN

ABU SAYYAF GROUP

AMERIKA

GHALIB ANDANG

JOY CANTOS

KUMANDER ROBOT

MEDICAL CENTER

QUEZON CITY

RAFAEL REGINO

REGINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with