^

Bansa

FPJ minadali lang nina Sotto at Angara

-
Minadali lamang nina Senators Vicente Sotto at Edgardo Angara si Fernando Poe Jr. kaya napilitan ang aktor na ihayag ang kanyang kandidatura sa 2004 kahit nagdadalawang-isip pa ito,

Ito ang sinabi kahapon ni Minority Leader Carlos Padilla na naghihinalang may "hidden agenda" ang dalawang senador sa pagpipilit kay FPJ na tumakbo sa 2004 kahit hindi pa naman ito handa.

Naniniwala din ang solon na hinaharang nina Angara at Sotto ang pakikipag-usap ni Lacson kay FPJ dahil natatakot ang dalawa na makumbinsi ng una ang aktor na huwag nang kumandidato.

Hindi umano payag sina Sotto at Angara na magbago pa ang isip ni FPJ na posibleng mangyari kapag nagkausap sila ni Lacson.

Sinabi din ni Padilla na maaaring "deep penetration agent" o DPA ng Malacañang si Angara at ito mismo ang sumisira sa oposisyon.

Kabilang aniya sa compromise agreement sa pagitan ni Angara at Pangulong Arroyo ang indirect approach upang masigurong hindi mananalo si FPJ sa 2004. (Ulat ni Malou Rongalerios)

ANGARA

EDGARDO ANGARA

FERNANDO POE JR.

LACSON

MALOU RONGALERIOS

MINORITY LEADER CARLOS PADILLA

PANGULONG ARROYO

SENATORS VICENTE SOTTO

SOTTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with