^

Bansa

Pagdeklara kay Ping iligal - Angara

-
Iginiit naman kahapon ni Laban ng Demokratikong Pilipino (LDP) president Sen. Edgardo Angara na hindi maaaring gamitin ni Sen. Panfilo Lacson sa kanyang pagsusumite ng certificate of candidacy sa Disyembre 15 ang partido ng LDP.

Sinabi ni Sen. Angara na ang ginawang proklamasyon ni Sen. Lacson kahapon ay walang pahintulot niya at maituturing itong iligal kaya puwede silang mapatawan ng disciplinary action.

Ayon kay Angara, katatapos pa lamang ng covenant nila ng Puwersa ng Masang Pilipino at PDP-Laban kamakalawa at nakasaad sa kanilang kasunduan na magkakaroon muna sila ng selection process para sa kanilang magiging standard bearer.

Ani Angara, hindi rin maaari na ang secretary-general lamang ng LDP na si Makati Rep. Butz Aquino ang magkakaloob ng nominasyon ni Lacson dahil under the party rules ay ang pangulo lamang ng partido ang puwedeng mag-nominate ng kanilang kandidato sa Comelec sa 2004 elections.

Umaasa naman si Angara na bago sumapit ang filing ng certificate of candidacy sa December 15 ay matatapos na nila ang selection process upang maihayag na nila ang kanilang standard bearer. (Ulat ni Rudy Andal)

ANGARA

ANI ANGARA

BUTZ AQUINO

DEMOKRATIKONG PILIPINO

EDGARDO ANGARA

LABAN

LACSON

MAKATI REP

MASANG PILIPINO

PANFILO LACSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with