Batang Tsinay laya na
December 5, 2003 | 12:00am
Matapos ang halos dalawang linggong pagkakabihag, pinalaya na ng kanyang mga kidnaper ang 10-anyos na batang Tsinay makaraang magbayad umano ang pamilya nito ng ransom.
Kasunod nito ay arestado naman ang apat na sinasabing kumidnap sa biktimang si Gellina Crystel Dy.
Base sa report, si Dy ay iniwan ng kanyang mga abductors sa loob ng isang kulay berdeng Toyota Revo van na nakaparada sa Anonas, Xavierville, Quezon City kung saan sinundo ito ng kanyang mga magulang.
Nabatid na unang hiningi ng mga kidnaper ang halagang P20 milyon kapalit ng kalayaan ng biktima, ngunit dahil sa pakiusap ng pamilya nito ay naibaba ang halaga ng ransom money. Ilang araw din naghagilap ng pera ang pamilya Dy.
Nitong nakaraang Martes ay nakapagbigay ng hindi nabatid na halaga ng ransom money ang pamilya Dy. Inakala ng pamilya Dy na hindi na nila makakapiling si Gellina dahil matapos silang makapagbayad ng ransom ay hindi tumatawag ang mga kidnaper nito.
Dakong alas-4 ng madaling-araw kahapon ay biglang tumawag ang mga kidnaper sa pamilya Dy at sinabihan na pumunta sa Anonas at sunduin ang bata na nakasakay sa nakaparadang Revo.
Mahigpit na binilinan ang mag-asawang Dy na sila lang at walang pulis.
May piring ang mga mata, nakatali ang mga kamay at paa ng makita ang bata.
Maliban sa antok at pagod, walang bakas na sinaktan ang biktima.
Matapos pakawalan ang bata ay nagpakitang gilas naman ang grupo ng National Anti-Kidnapping Task Force (NAKTF) at nagsagawa ng magkakasunod na operasyon na nagsimula kahapon ng alas-11 ng umaga at alas-3 ng hapon sa hideout ng grupo sa Sabarte road, Camarin, North Caloocan, Caloocan City.
Apat ang agad na inaresto na nakilalang sina Allan Rempillo, Ian Enriquez, Elmer Ganola at Ramil Ganola.
Matatandaan na kinidnap si Dy ng anim na armadong lalaki habang papasok sa St. Peter the Apostle Catholic School na nasa panulukan ng Quirino Avenue at Zulueta st., sa Paco, Manila noong Nobyembre 21, 2003.
Sa insidenteng ito ay nasawi ang driver nitong si Hilario Responso habang kasalukuyang naka-confine pa sa pagamutan ang yaya ng bata na si Maricel de Dios dahil sa tinamong tama ng baril sa katawan matapos na pagbabarilin ng mga kidnaper.
Kahapon ay inilibing na ang driver, samantala nakatakdang sumailalim sa panibagong operasyon ang yaya. (Ulat nina Lordeth Bonilla,Rose Tamayo at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest