Una rito, naglabasan sa ibat ibang pahayagan ang hinaing ng SOLUBOA sa Melizza transport na binigyang tugon ng DOTC kamakailan.
Gayunman, isang beses lamang nagsagawa ng operasyon ang DOTC para puntahan ang illegal terminal ng Melizza bus sa Alabang, Muntinlupa. Wala silang nahuling kolorum na bus sa naturang operasyon dahil "natimbrehan" umano ito ng ilang tiwaling opisyal sa DOTC na naka-payola umano sa Melizza bus.
Matapos ang operasyon ay kaagad nagsibalikan ang mga illegal na bus ng Melizza na nagpalit na umano ng pangalan ngayon bilang Jennylove transport.
May 2 taon nang pinagbabawalan ng LTFRB na mamasada ang Melizza, ngunit sa hindi malamang dahilan ay patuloy itong nakakapasada sa Laguna at Batangas.
Naniniwala ang SOLUBOA na kung kikilos lamang nang husto ang tanggapan ni DOTC Sec. Leandro Mendoza, hindi na muling makakapasada ang nabanggit na bus alang-alang na rin sa kapakanan ng mga pasahero at iba pang bus operators na tumutugon sa anumang ipinapatupad na batas at patakaran ng pamahalaan.