^

Bansa

DOTC kinalampag sa kolorum na bus

-
Nanawagan ang Southern Luzon Bus Operators Association (SOLUBOA) sa Department of Transportation and Communications (DOTC) na seryosohin ang gagawing pagpapalayas sa Melizza transport na patuloy na bumibiyahe pinagbawalan na sila ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na mamasada sa Southern Luzon.

Una rito, naglabasan sa iba’t ibang pahayagan ang hinaing ng SOLUBOA sa Melizza transport na binigyang tugon ng DOTC kamakailan.

Gayunman, isang beses lamang nagsagawa ng operasyon ang DOTC para puntahan ang illegal terminal ng Melizza bus sa Alabang, Muntinlupa. Wala silang nahuling kolorum na bus sa naturang operasyon dahil "natimbrehan" umano ito ng ilang tiwaling opisyal sa DOTC na naka-payola umano sa Melizza bus.

Matapos ang operasyon ay kaagad nagsibalikan ang mga illegal na bus ng Melizza na nagpalit na umano ng pangalan ngayon bilang Jennylove transport.

May 2 taon nang pinagbabawalan ng LTFRB na mamasada ang Melizza, ngunit sa hindi malamang dahilan ay patuloy itong nakakapasada sa Laguna at Batangas.

Naniniwala ang SOLUBOA na kung kikilos lamang nang husto ang tanggapan ni DOTC Sec. Leandro Mendoza, hindi na muling makakapasada ang nabanggit na bus alang-alang na rin sa kapakanan ng mga pasahero at iba pang bus operators na tumutugon sa anumang ipinapatupad na batas at patakaran ng pamahalaan.

ALABANG

BATANGAS

BUS

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

GAYUNMAN

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

LEANDRO MENDOZA

MELIZZA

SOUTHERN LUZON

SOUTHERN LUZON BUS OPERATORS ASSOCIATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with