^

Bansa

17-anyos Pinoy sa Canada tinodas sa bugbog

-
Isang 17-anyos na Pilipinong estudyante sa Vancouver, Canada ang kinuyog at pinagtulung-tulungang bugbugin ng Indian-Canadian teenagers matapos na magtalo sa "racial discrimination" noong Sabado.

Sa ulat na nakarating sa Department of Foreign Affairs (DFA), kinilala ang Pilipino na si Mao Jomar Lanot, nag-aaral sa Charles Tupper Secondary School sa Vancouver.

Namatay si Lanot sa ospital ilang oras matapos na sumailalim ito sa operasyon bunga ng matinding bugbog at palo sa iba’t ibang parte ng katawan.

Pauwi na si Lanot kasama ang tatlo pang kaibigang Pinoy ng kantiyawan ng grupo ng mga suspek. Sinigawan at ininsulto umano sina Lanot dahil sa pagiging Pinoy kaya napikon ang mga biktima at nakipagpalitan ng maaanghang na salita.

Naglabasan ang ibang Indian-Canadian teenagers sa kanilang sasakyan at pinagpapalo at ginulpi ang magkakaibigang Pinoy. (Ulat ni Ellen Fernando)

CHARLES TUPPER SECONDARY SCHOOL

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

ELLEN FERNANDO

INDIAN-CANADIAN

ISANG

LANOT

MAO JOMAR LANOT

NAGLABASAN

NAMATAY

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with