Sinabi ni Sen. Sotto, totoo na walang karanasan sa pulitika si FPJ pero hindi nangangahulugan na wala na itong kakayahan na pamunuan ang ating gobyerno sakaling magwagi sa 2004 presidential election.
Wala rin umanong katotohanan ang inaalok ng kampo ni Roco na "new politics" dahil ang nakapaligid sa kanya tulad nina dating Gov. Lito Osmeña ng Promdi at dating Defense Sec. Renato de Villa ng Reporma ay pawang talunang kandidato o mga traditional politicians.
Iginiit pa ni Sotto, ang mga ginagawang panlalait ng kampo ni Roco kay FPJ ay hindi nakakabawas sa popularidad nito bagkus ay lalong nagpapa-angat sa kanyang kandidatura. (Ulat ni Rudy Andal)