^

Bansa

Roco,recycled politician

-
Inakusahan kahapon ni Senate Minority Leader Vicente Sotto III si presidentiable Raul Roco na isang recycled politician bilang sagot sa ginawang panlalait nito sa kakayahan ni Fernando Poe Jr. para patakbuhin ang bansa.

Sinabi ni Sen. Sotto, totoo na walang karanasan sa pulitika si FPJ pero hindi nangangahulugan na wala na itong kakayahan na pamunuan ang ating gobyerno sakaling magwagi sa 2004 presidential election.

Wala rin umanong katotohanan ang inaalok ng kampo ni Roco na "new politics" dahil ang nakapaligid sa kanya tulad nina dating Gov. Lito Osmeña ng Promdi at dating Defense Sec. Renato de Villa ng Reporma ay pawang talunang kandidato o mga traditional politicians.

Iginiit pa ni Sotto, ang mga ginagawang panlalait ng kampo ni Roco kay FPJ ay hindi nakakabawas sa popularidad nito bagkus ay lalong nagpapa-angat sa kanyang kandidatura. (Ulat ni Rudy Andal)

DEFENSE SEC

FERNANDO POE JR.

IGINIIT

INAKUSAHAN

LITO OSME

PROMDI

RAUL ROCO

ROCO

RUDY ANDAL

SENATE MINORITY LEADER VICENTE SOTTO

SOTTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with