Velasco inalis sa NCRPO
December 2, 2003 | 12:00am
Tinanggal na kahapon sa posisyon si National Capital Region Police Office (NCRPO) chief P/Deputy Reynaldo Velasco matapos na mahagip sa malawakang revamp na ipinatupad ng PNP sa 32 matataas na opisyal.
Sinabi ni PNP chief, Gen. Hermogenes Ebdane na aprubado ni Pangulong Arroyo ang reorganisasyon sa hanay ng mga opisyal ng pambansang pulisya.
Ang panibagong rigodon ay nakapaloob sa General Orders No. 1429 thru 1434 na inisyu ng PNP-National Headquarters na epektibong ipinatupad kahapon.
Si Velasco na itinalaga bilang bagong hepe ng Philippine Center on Transnational Crime (PCTC) ay pinalitan naman ni P/Director Ricardo de Leon, dating hepe ng PNP Directorate for Police Community Relations.
Si P/Chief Supt. Victor Luga ang itinalagang kapalit ni de Leon.
Itinalaga naman bilang bagong PNP spokesman si Sr. Supt. Joel Goltiao kapalit ni Sr. Supt. Leopoldo Bataoil na inilagay sa Police Community Relations Group.
Una rito, nagbanta si Pangulong Arroyo na sisibakin ang sinumang hepe ng pulisya o district directors kung may tatlong karumal-dumal na krimen sa kanilang hurisdiksiyon partikular ang kidnap-for-ransom gang.
Gayunman, itinanggi namang kumpirmahin na may kinalaman sa mga naganap na serye ng malalaking krimen sa kalakhang Maynila ang pagkakasibak kay Velasco. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest