Ito ay kasunod ng pahayag ng isang mapapanaligang source sa Camp Crame na nakatakdang pangalanan ang bagong itatalagang hepe ng NCRPO kapalit ni Velasco.
Nauna rito, nagbanta si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na sisibakin ang sinumang hepe ng pulisya, district directors at iba pa kung may tatlong karumal-dumal na krimen sa kanilang hurisdiksyon partikular ang kidnap-for-ransom gang.
Nilinaw naman ng source na ang pagtatalaga sa bagong pinuno ng NCRPO ay matagal nang inaabangan at ito ay normal lamang bilang bahagi ng organizational changes na isinasagawa sa PNP.
Itinanggi namang kumpirmahin na may kinalaman ito sa mga naganap na serye ng malalaking kriminalad sa Kalakhang-Maynila bukod pa sa pinaiiral na rigodon at pagtatalaga ng bagong NCRPO chief.
Sinabi ng source na isang police director na may katumbas na ranggong two star rank sa militar ang posibleng humalili sa puwesto ni Velasco. (Ulat ni Joy Cantos)