Roco nagproklama na sa pagka-pangulo
December 1, 2003 | 12:00am
Pormal nang nagdeklara kahapon ng kanyang kandidatura bilang pangulo sa darating na eleksyon si dating Education secretary Raul Roco sa ilalim ng Alyansa ng Pag-asa sa Folk Arts Theater sa Pasay City.
Si Sec. Roco na ang magiging presidential bet ng koalisyong Aksyong Demokratiko, Reporma ni dating presidential adviser Renato de Villa at PROMDI ni dating Cebu Governor Lito Osmeña.
Wala namang ideneklarang runningmate si Roco sa nasabing proklamasyon habang isasailalim naman sa screening ang 19 na senatoriables nito.
Kabilang sa mga dadaan sa screening committee ng koalisyon ang mga senatoriable candidates na sina Sen. Rodolfo Biazon, de Villa, dating Health sec. Jimmy Galvez-Tan, Misamis Oriental Rep. Oscar Moreno, Atty. Batas Mauricio, Chief Supt. Romeo Maganto, bowler Bong Coo, dating Pasay Rep. Lorna Verano-Yap, Agriculture sec. Leonardo Montemayor, Sulu Rep. Ardem Ali, anak ni dating Pangulong Fidel Ramos na si Cristy Ramos-Jalasco, dating solicitor general Frank Chavez at broadcaster Jay Sonza.
Ayon naman kay Aksyon Demokratiko secretary-general Jimmy Galvez-Tan, tinatayang may 10,000 supporters ni Roco ang dumagsa sa nasabing proclamation rally sa Folk Arts Theater. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest