Ang pahayag ay ginawa kahapon ni Jamby Abad Santos Madrigal, spokesperson ng Kontra-Pulitika Movement (KPM), bilang reaksiyon sa paninindigan ni GMA na ito ay suspindihin nang walang taning na panahon.
"Ang death penalty ay dapat na ipatupad laluna sa mga heinous crimes, gaya ng drug trafficking, murder at kidnap-for-ransom na nagresulta pa sa kamatayan ng biktima," sabi ni Madrigal.
Ani Madrigal, apo ng bayaning si SC Chief Justice Jose Abad Santos, may umiiral na batas tungkol sa parusang kamatayan na ang layunin ay makatulong sa pagkontrol o pagsugpo sa krimen.
Ang moratorium o pansamantalang pagsuspinde sa parusang kamatayan ay inutos ng Pangulo bilang pagbibigay sa kahilingan ng simbahang Katoliko nang siyay maupo bilang pangulo noong 2001.
"Isang major deterrent sa krimen ang death penalty laban sa mga taong nakagawa ng heinous crimes salungat sa paniniwala ng ilang tao na ito ay hindi makakatulong sa pagsugpo sa mga krimen," sabi pa ni Madrigal.